CHOPPER
DEAL WHISTLEBLOWER MULING HAHARAP SA BLUE RIBBON AT MAGHAHAYAG NG BAGONG
DETALYE SA IMBESTIGASYON
Nakatakdang ipagpatuloy ang pagdinig ng
Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Sanator Teofisto “TG” Guingona III
hinggil sa pagbili ng Department of National Defense (DND) ng segunda manong
UH-1 helicopters. Ang pagdinig ay gagawin sa Hulyo 7 kung saan muling
magbibigay ng kaniyang testimonya ang whistleblower na si Rhodora Alvarez
hinggil sa 1.25 bilyong pisong kontrata.
Nauna nang dininig
noong Hunyo 9, sa Blue Ribbon ang testimonya ni Alvarez na isang kawani ng
pamahalaan at dating konektado sa US-based Rice Aircraft Services. Sa nasabing
pagdinig, inakusahan ni Alvarez ang mga opisyal ng DND at ang Philippine Air
Force (PAF) ng pagsasabwatan. Sinabi ni Alvarez na binali ng DND at PAF ang
rules on procurement para paboran ang Rice Aircraft Services.
Nangako rin si Alvarez
na magbabahagi pa siya ng mga impormasyon para patunayan ang kaniyang mga
ibinunyag.
Sa kanyang nilagdaang
salaysay, sinabi ni Alvarez na naipagkaloob sa Rice Aircraft Services, na
kasosyo ng Eagle Copters Ltd., ang kontrata sa kabila ng pagkadiskwalipika nito
sa mga naunang bidding.
Naipagkaloob sa Rice
Aircraft Services ang 1.25 bilyong pisong kontrata noong Disyembre 2013 para
ideliber ang 21 refurbished combat Huey UH-1 choppers sa loob ng 180 araw.
Ngunit makalipas ang dalawang taon, sinasabing hanggang sa ngayon ay nasa
proseso pa rin ng pagkumpuni ang Rice Aircraft Services sa bulto ng Huey
helicopter na dapat sana ay naideliber na sa deliveries hangars ng PAF sa Clark
Air Base.
Ang pagdinig ay
magbibigay ng pagkakataon para madinig ang panig ng mga opisyal ng DND at PAF
na isinasangkot sa alegasyon, lalo na ang akusasyon ng pagkabigo ng Rice
Aircraft Services na tuparin ang isinasaad sa kontrata. /MP
No comments:
Post a Comment