Saturday, November 15, 2008

EDITORIAL


Gusto Mong Maging
Senador Ng Pilipinas?

ANG SARAP MAGING SENADOR! Miriam Defensor Santiago was featured in Correspondents last week. Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 ang suweldo bawat senador tuwing buwan, pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador na humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 ang budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (rental, utilities, supplies at domestic travels) at P500,000 naman para sa staff at personal expenses. Kaya, para makaipon ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa ba kung bakit mayroong mga ghost employees?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila tuwing buwan para naman sa foreign travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailangan i-liquidate ang mga cash advances ng mga gastusing iyan kundi certification lang na nagastos ang requirement.

Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mga komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 milyon din! Hindi sila mawa-walan ng Komite sapagkat 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang mga committees sa Senado. There’s food for everybody ika nga! Luma-labas na doble ang kanilang benepesiyo at dagdag pa kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, sabi ng iba awtomatikong may 10 percent na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang por-siyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino na anim (6) na taon ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10 percent kundi 20 – 30 percent ang komisyong hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin natin na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simply lang ang kanilang pamumuhay, ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit sa lima (5) ang sasakyan.

Ngayon, nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kam-panya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo tuwing buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na! ANG SARAP MAGING SENADOR! ! ! Ganito rin ba sa Mababang Kapulungan (House of Rep-resentatives)?

After reading this, please forward it to as many of your friends and let the whole country know that election is more of putting ambitious people in position who are greedy of power, wealth and prestige than of public service... ang masakit pa, pera ng bayan pa rin ang gagamitin sa eleksyon maluklok lamang sila sa pwesto!!! (e-mailed by a competent source) /MP

No comments: