* Message of Cong. Teodorico Haresco, Jr. during the turn-over of solar and battery operated electric tricycles to Aklan on Tuesday morning, June 28, 2011, ABL Sports Complex, Kalibo, Aklan.
Saeamat gid sa mainit nga welcome ni Atty. Diego Luces. Gabalik-balik gid kita sa Aklan because Aklan is home to me and the welcome is always truly heartwarming, very inspiring.
Iya eoman kita sa sangka proyekto, sangka programa ku Kasangga nga owa gid it ibang tuyo kundi mabuligan ro atong mga pobreng igmanghud. Parehas man ku tuyo ag damgo ni Gov. Lito Marquez ag ni Cong. Joeben T. Miraflores nga librehon ro mga Akeanon sa pagka ga-id sa kapobrehan.
Ito ay isang imbensyon, isang tricycle na pinatatakbo ng battery, ng solar energy – energy na hindi binibili dahil galling sa araw, na magiging malaking kabawasan sa paggamit ng gasoline o kurudo, kaya’t isang malaking hakbang laban sa pollution. Pero ang environmental protection and conservation ay isa lamang sa maraming malalaking benefisyo ng imbensyon na ito.
Alam na natin na ang pinaka-misyon ng Ang Kasangga sa kaunlaran ay ang micro-entrepreneurism. Ang mabigyan ng maliliit na negosyo, mabigyan ng ikabubuhay, ang ating mga mahihirap, isa na rito ang ating mga tricycle drivers. Sa taas, taas, taas – baba – taas, taas – baba, at kung minsan taas, taas na lang ng gasoline at kurudo, lalong naghihirap ang ating mga tricycle drivers and operators. Kaya’t kahit ano pang tulong ang ibigay natin sa kanila, kahit anong micro-finance pa, parang wala ring nangyayari.
Kaya’t kami sa Ang Kasangga, isip nang isip kung anu-ano pa ang magagawa para itong mga micro-entrepreneurs natin, na pinangungunahan ng ating mga tricycle drivers ay mabigyan ng break, makahulagpos nga sa kadena na dala ng mahal na gasoline. At ito ang na-imbento namin. Ang e-trike. Tini-test pa lang natin ito. Pero nakikita ko na ito bilang isang solusyon sa kahirapan, solusyon sa pollution.
Nabigyan na natin ang kongreso kung saan malaki rin ang problema sa pollution, noise pollution, sabi nila. Nabigyan na natin ang Queon City. At bibigyan natin ang ibang cities, ang ating mga lalawigan, mga kabayanan. Pero dahil nga malapit sa puso ko, sa puso ng Kasangga, ang Aklan, inuna natin dito.
Later, in the program, Mr. Brian Stanly Jackson, the inventor, will give you a technical description and the warranties of the e-trike. Then the president and the CEO of our corporation, Mr. Leonardo Cruz, shall explain the financing options, the driver’s net take-home income.
In the meantime, Ang Kasangga’s many other assistance programs shall continue to be implemented. Last week we had these medical missions. Apat na bayan pa lang, pero may darating pa. Tuloy rin ang micro-lending programs natin. Ang tulong sa Philhealth Scholarship sa mahihirap na estudyante. Sa Social Welfare and Development. Ang mga tulong natin sa mga municipio.
Tuloy ang pagtulong-tulong namin nina Cong. Joeben at ni Gov. Lito para sa ikakabuti ng Aklan at mga Aklanon. Salamat uli. /MP
No comments:
Post a Comment