Wednesday, August 20, 2008

Kaya Mo Ba Ang Pinakamalaki?


Ni Mario Balandra

Maraming pangya-yari ang nagaganap sa ating bayan dahil lamang sa lupa. Ang hangad na makapagmay-ari ng lupa ay madalas umaabot sa gulo at hidwaan. Mga magkaibigan o magka-pitbahay ay nag aaway ng dahil lang sa lumampas sa mohon ang bakod ng karatig at nabawasan ng kapiraso ang laki ng lupa. Mayroon namang mag-kamag anak mismo na nagpapatayan dahil sa inangkin ng isang angkan ang dapat paghahatian na lupain ng kanilang yumaong lolo at lola.
May mga maru-runong at makapang-yarihan lalo na sa pamahalaan at may mayaman na nagma "money" obra ng mga pirapirasong lupa para mailipat sa kanilang pangalan. Sa iba, ang pag-aari ng lupa ay sadyang hindi talaga pinaghi-hirapan. Ito ang halimbawa ng mata-kaw na magnanakaw ng lupa. Marami ang nangyari at kasulu-kuyang nang-yayaring hindi lamang dito sa Aklan lalo na sa Boracay kundi sa iba-iba pang dako ng mundo. Isa na namang gulo ang nagaganap sa North Cotabato at karatig probinsya nito kung saan ang mga MILF ay lumusob sa mga bayan ng Pigkwayan at Pikit. Ito ay dahil sa matagal nang hidwaan na nagmula sa lupa.
Maraming tao ang talagang hindi kuntento sa kapirasong lupa. Maya-man daw ang may lupa dahil sa paniwala na ang kayamanan ay nasa lupa. Dahil dito, gusto pa rin nila ang dagdag na ektarya-ektaryang lupa. Ang suliranin kung minsan ay sayang lang dahil hindi naman natataniman ng magsa-saka. Ayaw ipabungkal ang lupa dahil naghihintay sa tamang panahon o di kaya ipalipat ang classification from agricultural to commercial, industrial o residential. Biglang yaman ang may ari nito.
Kailangan ba talaga ang malapad na lupa? Ang sobra-sobrang yaman? Makapangyarihan ba ang yaman? Kailangan ba talaga ang kapang-yarihan? Gaano ba kalaki ang kailangan na yaman, lupain o kapangyarihan?
Noong unang panahon, sa bansang Rusya ay may isang taong hangad na magkaroon ng malawak na lupain. Isang araw, may nagyaya sa kanya na kung talagang gusto niya, magiging kanya ang lahat na kaya niyang lakarin sa isang araw. Kailangan lamang na makabalik siya at makumpleto mula sa pagsikat ng araw ang ikot sa malawak na lupa na gusto niya bago lumubog ang araw.
Kinabukasan, maaga pa siyang masayang lumakad. Malayo ang nilakad niya at mahaba ang ikot hangga’t hindi niya namalayan na malapit na lumubog ang araw. Dapat makabalik siya sa mismong pinagmulan at makumpleto ang ikot bago lumubog ang araw. Dahil sa sobrang layo, tumakbo siya nang mabilis. Buong bilis siyang tumakbo upang makabalik. Sa layo ng tinakbo niya, bigla siyang nanghina at … bumagsak sa lupa! Dahil walang tao ang lugar, wala ring tumulong sa kanya. Napagod siya. Tuluyan siyang namatay.
Nang ilibing na siya, naging palaisipan ng lahat na pagkatapos ng pagsusumikap niya upang makapagmay-ari ng lupain, isang pirasong lupa lang pala ang kailangan niya (4’x7’) at hindi ektarya ektaryang lupa. Namatay ba siyang marangal? Mayaman? Makapangyarihan?
Hangad mo rin bang magkalupa at maging mayaman? Gaano kalaki ang iyong hinahangad? Gaano kalaki ang iyong kailangan? /MP

No comments: